Sunday, February 20, 2011

Last tawag ko na daw?

Hindi ko alam kung baket bigla kong naisip na sabihin un sa kanya nung gabing un. 
Siguro dahil tinetest ko lang siya...
Kasi ganito un,
Nung first attempt ko na tumawag sa kanya, hindi nya ako marinig. 
Parang tanga lang kaming dalawa, HELLO ng HELLO sa isa't-isa. 
So, binaba nya agad.
Nung 2nd attempt ko, ayun nagworked na.


Bezt: "Nasan ka"?
Me: Ah, kakarating lang namin eh.
Bezt: Baket sa ka galing?
Me: Sa Antipolo
Bezt: Ang nakipagdate?
Me: Hindi ah
Bezt: Ano ginawa nyo dun?
Me: Namili lang ng paninda, tapos pagkain.
Bezt: Ahhh ganun ba.
Me: Last tawag ko na to ah
Bezt? HAAA? (sobrang lakas talaga ng pagkasabi nya nyan!)
Me: Sabi ko last tawag ko na to...

Bezt: Hindi ka na tatawag kahit kailan?
Me: Oo. (mahina ung boses ko nung sinabi ko un)
Bezt: Baket???? (parang ramdam na ramdam ko ung biglang pagkalungkot nung narinig nya un)


Tapos parang bigla talagang natahimk sya! As in... hala, wala ng reaction. Natameme. Nagtampo? Nagalit?

Me: JOOOKEEEE~!! Hahaha!
Bezt: Loko ka ah!
Me: Hehehe... gulat ka no?
Bezt: Ungas ka! (parang nagalit na nainis ata sa sinabi ko...)


Me: Pero last tawag ko na talaga to.


Tapos natahimik nanaman...Biglang nanamlay siya nung sinabi ko ulit un.


Bezt: Nasa sayo un... (tapos bigla nanamang tahimik)
Me: Uyy! baket ka natahimik?
Bezt: Sige na, ibaba mo na. Last tawag mo na kamo eh.
Me: Hala! Galit? Hindi, kasi nagtitipid ako.
Bezt: Sige na, sayang ung load. 
Me: Hala! Galit ka?

Bezt: Sayang nga ung load. (Natamlay talaga siya nun)
Me: Eh baket galit ka?
Bezt: Hindi nga ako galit.
Me: Ok.. sige bye.


- END OF CONVERSATION - 


Nagtataka siguro kayo kung baket ginawa ko to. Well, just to test him, to know and feel he's serious and ayaw nya ako mawala sa kanya. 
Pero based dun palang sa usapan namin, parang takot na takot siya na mawala ako. Tae! Gusto ko syang yakapin nung mga time na un. 
Kung alam lang nya, kung gaano ko siya kamahal.

0 comments:

Post a Comment