Sunday, February 27, 2011

Oh! Sh*t!

Kagabi, parang bigla akong nanghina after kong mabasa ung text nya dun sa isa pang number.
"Mzta kita tau bukas ng umaga"
Nung tinext ko.. ."San pu?"
"Farmers Cubao"

Friday, February 25, 2011

Hanggang ganito nalang ba kami?

Got a 3 missed calls from Bezt yesterday (February 24, 2011)


1) 7:06am
2) 8:04am
3) 12:06pm


Hindi ko nasagot ung mga calls nya kasi dun sa 1 & 2, natutulog pa ako. Haha! Puyat ako eh.
While dun naman sa pang 3, may ginagawa ako kaya di ko nasagot. Tsk!

Wednesday, February 23, 2011

I'm officially a SMART subscriber now!

Bagong sim card, bagong number. :))))


Ayun, finally nakabili rin kaninang hapon ng bagong sim card. Yes, bumili ako para lang sa kanya. PARA LANG MAKATEXT SYA, ANG MAHAL KO.
I texted him informing na bumili ako ng SMART sim, sabi ko nga rin sa kanya ung true feelings ko na... Naiinis ako, kasi hindi man lang sya nagtetext dun sa Globe sim ko, parang wala lang sa kanya.
But ayun, mga 7pm, nagmissed call sya sakin, tapos nun 8pm.

Lesson Learned about Texting stuff?

I've learned something new today habang nagbabasa ng mga posts about this topic in Candymag:

What do you usually do pag hindi nagtetext/nagrereply si BF/GF?


Well, at some posts... nakakarelate ako. Kapag hindi nya ako tinetext, minsan nagtatampo like itetext ko sa kanya...
"ANDAYA MO BEZT, DI KA MAN LANG NAGTETEXT"

Monday, February 21, 2011

2 Missed Calls

Received 2 missed calls today, February 20, 2011.
Galing kay Meme around 9pm and 11pm.
Hindi ko alam kung baket gusto nya ako kausap eh...
Alam naman nya na un nga, meron na ako.

Naalala ko lang bigla sabi nya"

"DATI RATI, IKAW UNG TUMATAWAG SAKIN.

NGAYON, AKO NA TUMATAWAG SAYO."

Ano kaya ibig nya sabihin dun, parang may meaning un eh. 

Sunday, February 20, 2011

Baket ka nananakot?

Nung umaga, tumawag ako sa kanya...
Nung first attempt ko, naku hindi nya marinig...
Nung 2nd attempt, hindi nanaman nya marinig.
Parang ewan kaming dalawa.
Nag HEHELLO-han sa isa't-isa. Di magkarinigan.
Nung 3rd attempt, ang ginawa ko, pinatay ko ung phone ko tapos inon ko ulit
At ayun, nagworked na siya.

Last tawag ko na daw?

Hindi ko alam kung baket bigla kong naisip na sabihin un sa kanya nung gabing un. 
Siguro dahil tinetest ko lang siya...
Kasi ganito un,
Nung first attempt ko na tumawag sa kanya, hindi nya ako marinig. 

Balikan ang nakaraan?

Hindi ko maintindihan kung baket may naramdaman akong something.
It's not about me and my bezt, it's about me and meme.
OMG~~~ >____<


Ganito kasi un, nung around 5pm yesterday (Feb. 19, 2011), nagmissed call siya sakin.
Twice pa nga, kasi may inaask pala sya na number ng buddy nya (w/c is bestfriend ko nung high school).
So, dahil nasa byahe ako papuntang gawain, di ko nasagot ung call nya then ginawa ko,
sinend business card ko nalang ung number ni bhes (buddy nya).


Around 1am in the morning, pagdating ko namin sa bahay. I-texted him, asking if nakuha ba nya
ung number ni bhes and nabanggit ko rin na mukhang emergency kasi nagmissed call pa talaga.
Kaya ayun.... ayun bigla siyang reply na "Uu".


Tapos maya-maya bigla siyang tumawag. HALA!!


So ayun, nagkamustahan tapos nagkwentuhan.
Ilang beses nyang sinabi sakin, "DI KA PARIN NAGBABAGO MEME, KATULAD KA PARIN NG DATI".


Ang kinagulat ko sa lahat... 
Tandang-tanda nya pa talaga ung mga pinaguusapan namin noon. Nung time na magkausap kami sa phone.
Hindi ko alam kung baket kelangan ibrought-up nya ung ganun topic.
Tinanong pa nya ako kung kami pa daw ba nung bf ko, kinakamusta nya kami as if na close sila at kilala nya ah.
Ayoko rin naman mag-isip ng kung ano-ano...
Pero shet, baket biglang naging ganun ung feeling ko nung kausap ko siya.
Nakailangan tawag nya sya sakin eh kasi napuputol and nalow bat din ung phone ko.
Heehehe.

Palibhasa naka unlicall siya.
Mabuti at nabanggit  nya sakin na may unlicall pala sa Globe. Amp! Di ko alam un...
Yun ung SUPER25, hahaha. Ang abno ko. Sayangggg talaga! Kung kelan sira na ung Globe sim ni Bezt ko.

Saturday, February 19, 2011

Sana lang....

Sana kahit anong araw at oras, pwede ka makadalaw dito sa bahay.
Sana kahit anong araw at oras, pwede na kita makasama.
Sana kahit anong araw at oras, payagan na ako ni Mama na lumabas para makasama ka.
Sana makapamasyal tayo sa mga gusto kong lugar, ung TAYO lang magkasama.
Sana makapunta ka na dito sa bahay para makilala ka na ng family ko.

Ayiiieeee!

Yesterday, February 18, 2011...
Hindi ko mapigilan sarili ko na hindi siya tawagan... 
Mga around 7:30pm ata un eh~


I missed him badly kasi, gusto ko marinig ung boses nya.

Friday, February 18, 2011

Pasensya na, di ko natiis eh!

Hindi ko nagawa ung nasa last entry ko about pag iwas muna sa cellphone.
Paano naman kasi, kung kelan ung araw na hindi ko ineexpect na magtetext siya.
Ayun, nagtext siya nung umaga...

Wednesday, February 16, 2011

Iwas muna sa cellphone?

Sabi ko sa sarili ko, layo-layo muna ako sa paggamit ng cellphone.
Pag kasi hawak ko ung cellphone ko, maya't-maya nagchecheck ako kung may nagtext ba.
Eh isa lang naman ung hinihintay ko na magtext... si Bezt lang talaga.
Pero ayun, mga inquiries ng mga customers ko online ung narereceived ko.

Communication is the key?

Yan ang tanong ko sa sarili ko ngayon...
Marami nagsasabi na kapag nasa stage kayo ng LDR (Long Distance Relationship),
malibanan sa trust...
di dapat mawala ang
COMMUNICATION.
Yes, communication.
Dahil high tech na ngayon, wala ng dahilan para hindi ka makapagcommunicate sa tao.
Mapakaibigan mo man, kamag-anak, pamilya, kaaway, katrabaho, at lalong-lalo na ang mahal mo.
Ngayon, kung ano-ano nalang ung nasa isip ko.
Lagi nalang ako gumagawa ng paraan para may communication kami sa isa't-isa.
Thru cellphone na nga lang eh tapos madalang na kung mag text, lalo na ngayon na nagloloko daw ung GLOBE SIM card nya.
Kaya ngayon naka SMART sya ngayon. Kapag wala siyang load ako ung nagtetext sa kanya, tinawagan ko pa siya last night.
Mainam pa nung nagalit ako sa kanya, sya ung gumawa ng paraan para magkaayos kami.
Tumawag pa siya sakin para pag-usapan namin ung pagkatampo ko sa kanya.
And nung time na un, sobrang na appreciate ko.
But now, parang habang patagal ng patagal...
Pawala narin ung LOVE namin sa isa't-isa.
Or ako lang ung nag-iisip ng ganun. Kaya tuloy kailangan magpanggap pa ako ng iba gamit ang ibang Smart sim at itxt siya. Nagiimbistiga lang.


Haaayyyy.


Tuesday, February 15, 2011

Giving up?

Finally, I had a strength to text him awhile ago...
"Should I give up u na ______? Hay..."


I dunno...
I'm really confused right now.
I wanna know and see how will react when he read my message. :|

[EDIT] 


Okay, so now I got a reply from him:

"Give up ka na poh? Eh hindi mo manlang pinagbigyan ako. Tapos sana nun saka tau punta sa hauz nyo.
Pag sa iba, nakakagawa ka ng paraan pumunta. hay."

Isa kang malaking DUWAG!

Anduwag-duwag mo bezt! Naiinis ako sayo...
Isa kang malaking DUWAG!!! Torpe ka parin kahit sabihin nating tayo na.
Nahihiya ka pa sa lagay na tayo na? >__<
Ikaw na nga ung pinapapunta dito sa bahay eh.
Haaaay.
So, kelan ka pupunta dito sa bahay?
Kapag WALA na ung feelings ko sayo?
Ewan ko sayo!

Sunday, February 13, 2011

Kung mahal ka nya talaga...

Remember my previous post regarding sa date namin?
Walang naganap na date ngayong February 13, 2011.
Isang malaking W-A-L-A.
Pinigilan ako ni Mudra pumunta... Basta andami nyang sinasabi...
Judgemental siya... sasabihin nyang ayaw nya mambaba ng tao pero ano ung ginagawa nya?
Ung mga pinagsasabi nya tungkol sa bf ko, nasasaktan ako.
Siya narin nagsabi na hindi pa natin lubusan kilala ung bf ko, tapos kung makapagsalita sya dun sa tao, kilang-kilala na nya.
UNFAIR dba?
Gusto ni Mudra pumunta nalang sa bahay si bf, kesa sa gumastos pa daw siya.
Kung mahal daw nya ako, dapat pupunta siya dito sa bahay.
Ayaw ni Mama na kung saan-saan lang kami magkita, kasi kung saan daw ako dalhin nung bf ko.
I get her point, pero hindi si bf ganun. I know kasi hindi naman nya ginawa un nung nagkita kami last time.
It's just wala lang talagang tiwala tong Mudra ko sa kanya kasi mukha daw manloloko and stuff. -___-
So, in the end, tinext ko si bf...


"Bezt, sorry d ako pinayagan ni Mama... punta ka nalang daw dito kesa gumastos ka. 
Kung mahal mo talaga ako, pupunta ka dito."


Reply nya sakin:

"Nakakahiya eh, kaw talaga, me ganyan ka pa"


Reply ko sa kanya


"Hindi ako ang nagsabi, si Mama... basta kung pupunta ka dito, hihintayin kita. Welcome ka naman daw dito sa bahay."


After ilang minutes... eto reply nya:


"Bezt, sunod nalang ako punta, may gawa kame ngaun ni Papang eh"




OUCHIE!! T_T Ung totoo, umaasa rin ako na pupunta siya. Pero ganun talaga eh. :|
Alam ko naman na natatakot pa siya na makaharap ung family ko, kasi gusto talaga ni Mama kausapin nya si bf. 
So ngayon, sasabihin ko nalang sa kanya na kapag ready nalang siya, dun siya pumunta samin.
Pero sana SOON na un, kasi para di na kami both nahihirapan especially sa side ko. :(


In the end, ayun... nagmukmok nalang ako. Nanood ng downloaded movies, soundtrip, matulog nung araw na un.


Grabe tong prediction ni Anita, eto ung Facebook application na lagi kong chinecheck. Biruin mo ung prediction nyang yan, mga around 12am un ng February 13 eh, ayan ang biglang umappear. Tignan nyo pa ung comment ko... X|


Super TRUE talaga ung nangyari... Nagbago ang isip ko na magkita kami ng bf ko dahil kay Mama. Nakakakilabotttt!!


Friday, February 11, 2011

Pinagtritripan ko daw!?

Panira ung araw na to...
I called him up mga quarter to 9pm ~  Nangamusta and stuff...
Nabanggit ko rin sa kanya na niyayaya ako ng Ate nya pumunta ng Bataan pag nagbakasyon sya dito sa Pinas ngayong November. Hanggang sa inopen-up nya ung topic na may nagtext daw sa kanya... Nabanggit nung nagtext na may nagbigay daw ng number sa kanya kaya siya tinext.
I even told him, tinext mo naman? then sabi nya di raw kasi wala siyang load. Pero kung may load daw siya itetext nya un, itatanong daw nya kung sino nagbigay, blah blah.
Ang kinaasar ko dun, pinagbibintangan na ako daw ung nagbigay. >___<
Sabi ko "Baket ko naman ibibigay ung number mo sa iba?"
sagot nya sakin "Aba, malay ko sayo... malay ko ba na pinagtritripan nyo ako?"
WTF?! Hindi ka ba maiinis dun kapag sinabihan ka ng ganun...
Bat ko naman siya pagtritripan diba? 

Sakto...malapit na matapos ung call limit, ayun... before magend ung call,
sinabihan ko siya "Ansama mo bezt. Sama mo!" then ayun dun na naputol ung conversation namin.
Hindi na ako tumawag ulit... Wala eh! Nabadtrip ako...
Then tinext ko sya na nasaktan ako sa sinabi nya... TAMPUROROT mode ako.
Malamang, alam na nya un... for sure maglalambing nanaman un sa mga susunod na araw.

Wednesday, February 9, 2011

Nood daw kami sine?

My bf made my day because I found out na he's inviting me na manood daw kami ng sine. Ganito kasi un...


Mga past 6pm na un, he asked me if tuloy pa ba daw ung pagkanta ko sa Sunday (Feb. 13). Kasi I supposed to sing "Falling in Love" by Six Part Invention for Pre-Valentine Gig with my friends band. But since nagkaroon ng conflict because.... basta mahabang story, pina cancel ko nalang ung pagkanta. Para narin UMIWAS dun sa taong may connection dun sa araw na magaganap ung gig.


So, ayun sabi ko, WALA NAMAN, then I asked him BAKET?


Nung una, sagot nya, tanong lang daw nya... tsaka akala din nya may lakad ako sa araw na un. Then nung 2nd na, ayun sinabi nya na NOOD TAU SINE?


Nung nabasa ko un, sobraaaaaaang kinilig ako... na medyo nagalinlangan. :| Baka kasi nag jojoke lang siya eh.


Pero seriously, totoo nga! And yup, magdadate kami sa Sunday, February 13.


I asked him kung pwede ba sa mismong 14, but too bad sabi nya may gagawin daw siya eh. 
Biniro ko pa nga siya, "Ahh, kasi may kadate ka sa Monday (Feb. 14)"...


Alam nyo ung sagot nya?


"Ewan,, maghahanap pa andyan ka na..."


WAAAAHHH <3
Parang biglang lumaki puso ko bigla nun hahaha.
Kunwari di ako kinikilig, ang reply ko lang sa kanya...


"NGA NAMAN..."


Pero deep inside, parang sasabog na ang puso sa sobrang saya ahahaha!
Ayun, sa totoo lang wala pa akong idea kung saan kami... tinanong nya ako kung san daw ba kami.
Sagot ko sa kanya, bahala siya, sya na bahala dumiskarte dun. Hehehe!


Excited na ako makita siya at makasama ulit.
Nakakamiss kasi eh~~~ <3



LOVE BLOG! ♥

Ok~! This is my love blog between me and my Bezt.

Why Bezt?
short for bestfriend.
That's what me and bf called to each other ever since he's still courting me. Kekeke!

I find it unique kasi eh, so yeah. Enough said.