Wednesday, February 16, 2011

Iwas muna sa cellphone?

Sabi ko sa sarili ko, layo-layo muna ako sa paggamit ng cellphone.
Pag kasi hawak ko ung cellphone ko, maya't-maya nagchecheck ako kung may nagtext ba.
Eh isa lang naman ung hinihintay ko na magtext... si Bezt lang talaga.
Pero ayun, mga inquiries ng mga customers ko online ung narereceived ko.


Hindi ko kasi malayo-layo ung phone ko sakin. Hindi ko rin alam eh kung baket.
Sinusubukan ko, pero etong kamay ko, ayaw parin magtigil.
Maya't-maya tingin. Maya't-maya basa ng mga old messages nya.
Nakakainis.

Alam nya ung nafefeel ko for sure, kasi before din, di ko siya tinetext...
Kaya ang sabi nya sakin "Di ka na nagtetext" , kasi sabi ko sa kanya busy-busyhan ako. 
Kahit na di naman talaga ako busy, kasi may tampo ako sa kanya nung time na un.


Ngayon, iniisip ko nalang nga na BUSY siya kaya di siya makapag text maliban sa wala siyang panload. Sana nga busy sya dun sa ginagawa nya, hindi BUSY sa ibang babae. :|


Ano ba yan, kung ano-ano nanaman ung nasa isip ko. T___T

Wish me luck bukas, kung makakaya kong umiwas muna sa cellphone.


0 comments:

Post a Comment