Thursday, March 17, 2011

"Wag ka mag-alala"

Ok, so after 3 days na di ko sya tinetext, finally nakareceived rin ng text galing sa kanya.


Eto ung text nya sakin, as of 7:14pm (March 16, 2011):


"mzta na poh bezt, xnxa na tipid ako ngaun, kz bili ng tv nila nanay eh, luv u poh."


Nung mga time na yan, nasa SM Taytay kami, SM Hypermarket specifically. Hindi ko ineexpect din na magtetext sya, kasi ayoko rin na umasa. 

Pero wooow, tama rin ung instinct  na magtetext sya ng Wednesday.

Hindi talaga ako nagrereply sa kanya, eh paano....wala rin akong load. Pero anyway, di naman din ako magrereply sa kanya kasi gusto ko rin maramdaman nya ung mga naramdaman ko.

So, eto nga, dahil di ako nagrereply:


Eto naman ung 2nd text nya as of 7:52pm (March 16, 2011):

"bezt kaen kana poh, wag ka sna mglit skin, wag ka mag-ala2 punta din ako jan sa inyo."

GRABEEEE! kinilig ako bigla na ewan. Bigla akong naexcite dun ah.

Pero if ever man may load ako, eto irereply ko sa kanya.

"sana lang bezt, kasi gustong-gustong-gusto ko na pumunta ka dito. hindi kita kinakahiya. actually, gusto pa kitang ipagmalaki. hihintayin ko talaga ung araw na un at sana malapit-lapit na ung araw na un. tsaka hindi ako nagagalit sayo, gusto ko lang kasi iparamdam sayo ung feeling. nalulungkot ako kapag hindi ka manlang nagtetext. kung ano-ano ung pumapasok sa utak ko. hindi mo manlang ako matawagan.

iniisip ko na nga lang na meron ka ng iba eh kaya minsan hinahanda ko nalang ung sarili ko sa mangyayari.   lagi nalang kasi ako ung nageeffort. minsan nagsasawa na ako, pero pasensya na talaga kung hindi manlang kita naunawaan. ok lang kahit sabihin mong masama akong gf pero un talaga ung naramdam ko.

pero dahil alam ko na ung situation mo, nauunawaan na kita. girlfriend mo lang naman ako eh, at mas importante gawin mo ung priorities mo bilang isang mabuting anak. sobrang proud ako sayo and lucky to have you. :( gusto kitang yakapin ngayon. naiiyak ako hindi dahil nalulungkot ako, kundi naiiyak ako sa tuwa. akala ko talaga KINALIMUTAN MO NA AKO."








0 comments:

Post a Comment