Wednesday, March 30, 2011

Nakitawag pa talaga

Mga bandang 7pm, iidlip sana ako eh, iniwan ko ung phone ko sa ilalim ng laptop.
Nung nasa kwarto na ako, narinig ko bigla sinabi ni ate...
"Ano un bhe? ano un?"

Hindi ko alam, may tumatawag na pala sa phone ko, mabuti nalang nakatago kaya di nila malaman kung saan ba un galing. Si mudra nasa harap ng laptop ko...nagtataka kung ano ung tumunog.



Tpos bigla sabi ni Ate, "ano un Ma?" sabay sabi si Mama "sa laptop" ung maingay.

So, 7:34pm un nagmissed call. Hindi ko kilala kasi di nakaregistered ung number.
E di ayun, nagtext ako... "Hus dis po?"
Maya-maya nagring na ung phone ko around 7:39pm

"Hello? Hello" sabi ko...
Nagsalita sya ng mahina pero di ko naintindihan ung sinabi...
"Sino to?" sabi ko ulit...
Ayun, biglang nabosesan ko bigla... sabi nya "Hehe..Sikret!"
Inassure ko talaga na sya ba talaga un, sbi ko ulit "Sino to?"
Ayun, bumigay na... "Ako to Bezt!"
Sowwwws... nakitawag pala.
Ayun, nagulat ako kung sino eh.
Eto usapan namin...

Bezt: mzta bezt?
Ako: Ok lang naman
Bezt: Nasan ka?
Ako: Sa bahay
Bezt: akala ko umalis ka
Ako: Hindi ah
Bezt: Ano ginagawa mo ngayon?
Ako: Andito sa labas
Bezt: Baka nagpapacute ka dyan ah
Ako: Di ah...
Bezt: Owwss? baka nagpapacute ka lang kaya ka andyan
Ako: Hindi nga...
Bezt: Talaga lang ah
Bezt: Nasan si Mama mo?
Ako: Andito sa sala, baket?
Bezt: Pakisabi, kumusta kamo.
Ako: Ok, sige mamaya sabihin ko
Bezt: Malapit na birthday mo ah, malapit na birthday ni Arwin. Soulmate talaga oh!
Ako: Oo nga


Tapos ayun di ko na maalala ung next... naputol ung usapan namin eh. Nakitawag lang kasi sya. Kaya ayun. Hehehe.

0 comments:

Post a Comment